247

Sep 15, 2020 @ 19:48
By

Celebrity doctor Joel Mendez arestado ulit sa rape

Naposasan muli ang cosmetic surgeon at celebrity doctor na si Joel Mendez dahil sa panggagahasa, ayon sa pahayag ng Police Regional Office 10.

Sa pahayag ni PRO 10 Regional Director PBGEN Rolando Anduyan, inanunsyo ang pagkakadakip kay Mendez noong Lingggo, alas-2 ng hapon sa loob ng isang mall sa Brgy. Lapasan sa Cagayan de Oro City ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit 10 at Regional Intelligence Unit 10.

Ang pag-aresto kay Mendez ay dulot ng warrant of arrest na hinain sa kanya dahil sa kasong attempted rape at dalawang count ng rape through sexual assault na inisyu noong Pebrero ni Judge Joanne Hernandez-Lazo.

Walang nirerekumendang piyansa para sa mga kaso kontra kay Mendez.

Kasalukuyang nakadetine si Mendez sa Maharlika detention cell, at dadalhin sa Regional Trial Court para ito’y maproseso.

Dati nang nakulong si Mendez dahil din sa rape case noong 2018, ngunit nakalaya matapos magbayad ng P360,000 piyansa.

Ang kaso ni Mendez ay kaugnay sa pangmomolestiya nito sa isang 17-anyos na modelo ng Mendez Medical Group sa loob mismo ng kanyang clinic.
“We will never stop until all wanted person will be arrested and put them behind bars since it is our mandate to enforce the law, ensure the safety of other people that may be possible victim if they will not be arrested and give justice to the victim.” ayon kay Anduyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?