715

By

Celebrity doctor Joel Mendez arestado sa rape

Sharing is caring!

Nakakulong ngayon sa Mandaluyong Police Station ang cosmetic surgeon na si Joel Mendez y Cortez matapos ihain ang warrant of arrest sa kasong rape at attempted rape laban sa kanya.

Batay sa nakalap na report, inaresto si Mendez bandang alas-11:30 ng gabi noong Huwebes sa loob ng parking area ng BSA Twin Tower Basement sa Mandaluyong City.

Inaresto si Mendez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Imelda Portes-Saulog, ng RTC Branch 214, para sa kasong attempted rape, at isa pang rape case.

Walang maibigay na iba pang impormasyon ang tanggapan ni PS/Supt. Moises Villaceran, Jr., hepe ng Mandaluyong Police kaugnay nito.

May standing arrest warrant pa si Mendez dahil sa kabiguan umano nito na mag-remit ng Social Security Services contributions ng kanyang mga empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?