36

Celebrity Cooking: Hail to the Queen Judy Ann Santos

Malapit nang magsimula ang season twelve ng Judy Ann’s Kitchen, ang online cooking show ni Judy Ann Santos-Agoncillo na mapapanood sa Facebook page nito.

Every Saturday morning at 10:30 AM, nagluluto ng iba’t ibang putahe si Judy Ann habang nakikipagtsikahan sa kanyang online audience. Ayon mismo sa aktres, ang asawa niyang si Ryan Agoncillo ang nagudyok sa kanya na gawin ito. Lagi raw sinasabi sa kanya nito na magandang ideya ang mag-shoot ng videos habang nagluluto si Judy Ann sa kusina sa bahay nila sa Alabang.

“Matagal nang idea ni Ryan ‘yan. Bagong lipat pa lang kami dito, as in bagong kasal pa lang kami, hindi pa nga uso ang mga cooking videos na ‘yan, napag-usapan na naming dalawa ‘yan. Gusto nga ni Ryan parang two-minute videos lang ang gawin namin kasi alam niyang hindi ako confident magsalita habang nagluluto. Hindi rin ako confident na gawin ito at first. Wala lang, parang feeling ko lang ang yabang ng dating kung gagawa ako ng sarili kong cooking videos. Wala kasi akong bilib sa luto ko,” ani Judy Ann.

Mas una nga raw napag-usapan ang paggawa niya ng videos bago na-conceptualize ang cookbook niya na Judy Ann’s Kitchen. Kaya mas naunang lumabas ang cookbook; ini-release ito noong June 2015. At May naman ng taong 2016 ay nanalo ito ng award sa Gourmand World Cookbook Awards, bagging third in the Best Authors and Chefs Outside Europe category.

“Idea ko ‘yung book. Kasi at that time, ang dami ko pang kailangang prosesuhin with ABS-CBN, tapos ‘yung Bet On Your Baby na biglaan. Pero matagal na naming idea ni Raymund Isaac ‘yun, palagi naming napag-uusapan ‘yun every time na may shoot ako sa studio niya. Until one day pumunta na lang ako sa studio niya kasi may shoot ako doon ng umaga, tapos sinabihan ko na si Raymund na gawin na namin. Long story short, in just two to three weeks’ time, natapos na namin ‘yung buong cookbook.”

Sa dami ng kailangang gawin ni Judy Ann at ng kanyang team para sa cookbook, nakalimutan niya ‘yung idea ni Ryan tungkol sa paggawa ng sarili niyang cooking videos. Until he reminded her, that is. “Tinanong lang uli ako ni Ryan, ‘O, ano na nangyari sa cooking videos mo?’ Siya kasi palagi ‘yung firestarter ko when it comes to projects that are out of my comfort zone, which is acting. Si Ryan nagignite ng passion ko for cooking nu’ng wala akong confidence sa kakayahan kong magluto.”

When Judy Ann finally got up the courage to go ahead with Ryan’s idea, she knew she needed to find the right team to help her do it. She eventually decided to partner with a new video production company called Seabiscuit Films. “Sila rin ‘yung gumagawa ng show for Chef JP Anglo, who’s also under MyLaunchPad, Inc., which is our management also. So nagkaroon ng easy connection with them. Ang tagal pa bago nagawa ‘yung first shoot, pausog kami nang pausog, lagi kaming napa-pack up. Ewan ko ba kung bakit, pero ako kasi, mas nakakaisip talaga ako kapag nagka-cram ako. Kapag mahaba oras ko, hindi ako nakakaisip ng mga recipes na gusto kong i-present.”

Judy Ann also struggled to figure out exactly where she wanted to take the show. At first she felt pressured to cater to a specific group of people. But eventually she decided on a direction for it— one that was uniquely hers. “Nu’ng una nape-pressure pa ako. Iniisip ko, ano ba ang gagawin ko? Dapat ‘yung recipes lang na kaya gawin ng masa, o dapat ‘yung medyo swak sa budget. Pero na-realize ko, hindi ko puwedeng ikahon ‘yung sarili ko sa kung ano ‘yung gusto ng ibang tao. Naisip ko na dapat ko na munang buksan ang kusina ko sa mga manonood at ipakita sa kanila ‘yung alam kong lutuin, paano ko sila natutunan, sa paraang alam ko. Kaya nga Judy Ann’s Kitchen ang pangalan ng show, eh. Kasi my kitchen, my rules! Ngayon, kung kusina ni Chef Gene Gonzales, ‘yung professor ko sa culinary school, or ‘yung kay Gordon Ramsay, susundin ko kung paano sila magluto.”

The show proved to be a success. Sa katunayan nga, naging therapy para sa iba ang panonood nila ng Judy Ann’s Kitchen. No one was happier about that than the star of the show herself, who admitted to the press that she was more than a little worried about how people would react to the first season. So when she learned that it had been warmly received, Judy Ann was thrilled.

“People look forward to it every Saturday. Nakakataba siya ng puso at nakaka-overwhelm. Kilala n’yo naman ako, hindi naman ako maYouTube, ‘di ba? Hindi ko ito pinlanong mangyari. Pero siyempre napaka-grateful at napaka-thankful ko sa naging resulta. Kasi make or break ‘yung season one para sa akin. Puwede kasing pagtawanan lang ako ng tao at sabihin nilang ang trying hard ko, alam mo ‘yun?” Looking back on the period of self-doubt that engulfed her before the show started streaming, Judy Ann now says it’s important to ignore the voices in your head that cause you to lose your nerves when starting a new venture. She advises people to face their fears if they ever want to get anywhere in life. Judy Ann knows whereof she speaks. Why, if she hadn’t managed to do that herself, there would be no Judy Ann’s Kitchen. “Regardless kung anong sabihin ng mga tao, ang importante, nagawa mo lang ‘yung gusto mong gawin. Yung naging goal ko kasi nu’ng naisip kong mag-YouTube was to face my fear of talking while cooking. I also wanted to open myself up to people. Isa ‘yun sa mga goals ko in life, hindi lang sa Judy Ann’s Kitchen. Gusto ko, before I turn forty, i-challenge ‘yung sarili ko na mas mag-open up sa mga tao.” Judy Ann’s determination to open up paid off in a major way. Now she gets to inspire and touch more people through Judy Ann’s Kitchen.

“Nakakatuwa na ang daming b iglang gustong matutong magluto, ang daming nag-me-message na inihanda nila sa family nila ang mga napanood nila sa show. Nakakatuwa din ‘yung biglang may lalapit sa akin sa mall, mga tao na hindi mo iisipin na nanonood sa iyo, tapos sasabihin nila na, ‘I always watch your show!’ Or ‘Niluto ko ‘yung recipe mo kagabi,’ ganu’n.”

May mga viewers din na humihingi ng advice kay Judy Ann. Minsan pa nga hindi lang tungkol sa pagluluto, kundi tungkol na rin sa buhay. She tries her best to cater to these people, but she’s very cautious about it.

“Ayoko namang magbigay ng hindi tamang advice. Kaya palagi akong may disclaimer na, ‘Akin lang po ito, base lang po sa alam ko.’ I also always tell them that they can look it up on Google as well, para sigurado, ‘di ba? Kasi ayokong magdunung-dunungan at ayokong masisi. Kung ano lang ‘yung alam ko, ‘yun lang ang ibibigay kong sagot sa kanila.”

Now that Judy Ann’s Kitchen is going on it’s twelfth season, Judy Ann promises viewers more of what they loved about it in the last eleven seasons. She and her team won’t make any radical changes to the format, but they will kick things up a notch to keep people hooked. “Ganu’n pa rin, wala namang masyadong magbabago, ‘yung tipong kung ano ‘yung mga nagustuhan nila for the past seasons, nandu’n pa rin, aayusin lang namin, mas pagagandahin lang.”

Maaari niyong mapanood ang Judy Ann’s Kitchen sa YouTube channel ni Judy Ann at sa facebook.com/judyannskitchen kada Sabado ng umaga at 10:00. Sa kasalukuyan ay nagte-taping si Judy Ann ng upcoming TV series ng ABS-CBN na pinamagatang Starla.

TEXT & PHOTOS BY ROMMEL GONZALES

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?