52

Jan 9, 2019 @ 18:47
By

Celebrity chef ligtas na sa sexual assault case

Hindi na kakasuhan for sexual assault ang celebrity chef na si Mario Batali dahil sa kakulangan ng ebidensya para madiin ito.

Noong nakaraang March 2018, nag-file ang isang babae sa isang New York police station ng kasong rape kay Batali. Ayon sa babae, ginahasa raw siya ni Batali noong January 29, 2004 sa isa sa West Village restaurants nito sa NYC.

Nag-file rin ang isa pang babae ng sexual assault kay Batali at sinabi na noong 2005 ay hinalay siya sa Spotted Pig, isang restaurant kunsaan isa ang chef sa may-ari.

Dahil sa mga reklamong ito sa celebrity chef, tinanggal sa ere ang kanyang cooking show at pati na ang kanyang food website na Eater. Nag-step down din siya sa pag-manage ng ilang restaurant habang ginagawa ang imbestigasyon sa dalawang reklamo sa kanya.

Aminado naman si Batali na may pagkakataon na he behaved poorly pero hindi siya aabot sa pag-assault sa isang babae.

Pagkatapos ng ilang buwan na imbestigasyon ng NYPD, wala silang nakitang sufficient evidence para mapatunayan na may ginawang sexual assault si Batali sa dalawang babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?