56

By

Celebrities pwedeng mag-endorso sa social media basta libre – Comelec

Maaari umanong mangampanya ng kanilang napipisil na kandidato ang mga celebrity gamit ang kanilang social media accounts nang walang limitasyon.

Pero nilinaw ng poll body na papayagan lang ito kung gagawin ito nang libre ng celebrity.

Sinabi pa ni Comelec spokesperson James Jimenez na sakop lang ng spending limit sa campaign ads sa social media ng kandidato ang halaga ng ginawang ad at promotion.

“There is no clear violation when an actor or actress expresses opinion on social media because that same right goes out for everyone. What we are after here is that, magkano ang ginastos?,” ani Jimenez.

Sakali umano na may financial transaction na nangyari ay dapat i-report ito ng endorsers sa ilalim ng Fair Election Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?