434

By

Celebrities nag-react sa apology ng ina ng Ateneo bully

Isang buwan matapos ang viral video ng Ateneo Junior High School bully, humingi ng paumanhin ang ina ng bully habang nagpaliwanag naman ang anak nito sa kanyang inasal.

“I would like to apologize for the action of my son. Sa nasaktan niya, sa school kung na-drag man ang school sa isyu na ‘to, I apologize. Pero gusto ko ring hingin ‘yung understanding ng tao na bata ‘tong anak ko eh,” sabi ng ina sa panayam ni Arnold Clavio sa 24-Oras kagabi.

Samantala, sinabi ng tinaguriang bully na idinedepensa lang niya ang kanyang sarili sa nangyaring insidente dahil una siyang hinamon ng kaeskuwela niya.

“I was just defending myself, hindi naman ako nambu-bully for no reason eh.”

Ilang sikat na celebs naman ang nadismaya sa pahayag ng mag-ina dahil sa kawalan umano ng sinseridad.

“Sana, mommy, anak… sana nag-apologize na lang kayo at nangakong hindi na ito mauulit kesa sabihin ni bully-lit na dinepensahan lang niya ang sarili niya.

Wag din kayo magalit sa mga netizens na hinusgahan kayo. Hindi isang video lang yung kumalat, kundi tatlo.

Bakit hindi nyo hanapin yung nag-video at pagalitan nyo kumbakit yun lang ang kinunan?

Eh puro paghahamon ang ginawa ng batang yan sa tatlong videos, anong echos yang dinipensahan lang ang sarili?

Sa ina naman, ayaw kitang sisihin, pero sana noon pa, na-guide nyo na nang tama ang anak nyo.

Kahit kapiraso lang siguro ng guidance nyo, pwedeng maramdaman ng mga tao sa video, pero ako, wala akong na-feel, teh,” ani Diaz sa kanyang Facebook post.

Kabilang sa nagkomento sa post ni Diaz si Ynez Veneracion kung saan sinabi nitong wala siyang naramdaman na sincerity sa paumanhin ng ina ng bully.

“Hindi ko naramdaman ang sincerity ng pag-aapologize ng nanay. Medyo mayabang pa ang tono. Kung maganda ang pagpapalaki nyo dyan hindi yan magiging ganyan! Kitang kita na hindi nyo na-disiplina ng maayos ang anak nyo!”

“The failure to see the mistake says it all,” sabi naman ni Joey Javier Reyes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?