351

By

Ced Torrecarion, thankful na mapasali sa FPJ’s Ang Probinsyano

Sharing is caring!

Aminado si Ced Torrecarion na ang Kapamilya star na si Coco Martin ang isa sa mga actor na gusto niyang sundan ang yapak sa showbiz.

Kabilang din dito ang mga magagaling na actor na sina Joel Torre, Eddie Garcia, Edu Manzano, at Lou Veloso na itinuturing niyang isa sa kanyang mentors.

Sinabi ng aktor ang rason kung bakit niya gustong sundan ang yapak ni Coco.

Esplika ni Ced, “Pero the one na sasabihin ko ha, for me, cause he started talagang nag-extra-extra siya… So, for me, isa sa mga tinitingala ko ngayon, si Rodel. I call him Rodel, kasi that’s how I met him, si Coco Martin.

“Extra pa siya noon, ngayon bida na siya, producer, direktor… Bilib ako kay Coco, kasi alam niya kung saan siya nanggaling and he’s helping people, he’s helping our industry. Iyong mga artistang walang trabaho, nabibigyan niya ng trabaho.”

Dagdag pa ni Ced, “Ang nakakabilib talaga kay Coco, we’ve worked na before but it was a long time na. He is being blessed, he never changed, kahit na superstar na siya ngayon, ganoon pa rin ang ugali niya.”

Ngayong part na rin ng FPJ’s Ang Probinsyano si Ced, sinabi niyang isang karangalan ito para sa kanya.

“Yes, sobrang happy… isang karangalan na maging parte ng top rating show na FPJAP… I’m humbled. God is so good!” Saad pa ni Ced.

Aniya pa, “New addition ako sa cast, I’m Nico… the one that will take care of them.”

Si Ced ay nagsimula sa showbiz bilang member ng Star Circle Batch-9, kasama sina Heart Evangelista, Alfred Vargas, Dennis Trillo, Rafael Rosell, at iba pa.

Ngayon ay nasa pangangalaga si Ced ng Powerhouse, Arte nina Ms. Sylvia Sanchez, Bobby Casuela, Corie Criste, Smokey Manaloto, Anna Goma, at iba pa.

Bukod sa TV at pelikula, sumasabak din si Ced sa teatro. Pagbibidahan niya ang play na The Lost Sheep na itatanghal sa October 27 sa Star Theater. Mapapanood din siya sa teleseryeng Asintado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?