72

By

Ced Torrecarion tampok sa musical play na The Lost Sheep

Sharing is caring!

Sunod-sunod ang project ngayon ni Ced Torrecarion. Bukod sa napapanood siya sa sa mga palabas ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano at Asintado, tampok din siya sa musical play na The Lost Sheep.

Ito ay isang musical play na nagtatampok sa mga miracle at parable ni Jesus Christ bilang medium to refute arguments now afflicting Christians about the existence of God. Dito makikita ang isang modern day atheist soldier na humarap kay Jesus ukol sa existence at love ng Diyos. Pinagmulan ito ng isang argumento. Kasama si Jesus at mga desipulo, pinasinungalingan nila ang paniniwala ng atheist sa pamamagitan ng parables at mirales na naging daan para ma-convert ang atheist.

Ipinakita ito sa pamamagaitan ng dance numbers, isang multi-level stage, na mayroong special lights at other effects na nakadagdag sa magandang musical presentation. Pawang mga orihinal na music, costume, props, at different treatments ng bawat parable at miracles ang ginawa para mas maunawaan ito ng mga manonood.

Dito’y gumaganap si Ced bilang si Jesus Christ, kaya aminadong ito ang pinaka-challenging role para sa kanya.

Saad ni Ced, “Ang challenge riyan is being Jesus Christ, kasi, we don’t really know who is Jesus Christ. How, how you portray Jesus Christ? Siguro iyan ang pinakamahirap na role, kahit ano’ng ibigay sa iyong role, iyan ang pinakamahirap, si Jesus Christ.

“Honestly, ang dami ring mga trial while doing this, pero we’re still doing it because it’s for the Lord, nga eh. Oo, blessing ito na magampanan ko si Jesus, kahit mahirap, kahit marami kaming pinagdadadaan… medyo nacha-challenge iyong grupo, pero buo pa rin kami.”

Paano niya ide-describe ang kanilang musical play na The Lost Sheep?

Tugon niya, “The Lost Sheep is not the typical Jesus Christ story… we try to combine what’s currently happening in our lives… the show will truly strengthen your faith if you have and those who haven’t found our Lord will truly be touched by the story.”

Ano ang preparation niya sa kanyang papel dito?

“Number 1, I prepare myself spiritually… to portray Jesus Christ is a role that is not easy… physically and mentally and I also prepare, specially with the songs. We also start and end our rehearsals with a prayer as sometimes we are tested.

“I’m just honored and humbled to be doing this. I offer this to my family especially to my Mom in heaven,” wika pa ni Ced.

Mapapanood ang The Lost Sheep sa Oktubre 27, 4:00 p.m. at 7:00 p.m. sa Star Theater, CCP Complex. Kasama rin sa cast sina Lovely Rivero na gaganap bilang Mary, Pastor Reuben Aslor, ang atheist, at Jeffrey Santos, si Peter.

Unang ipinalabas ito sa Baguio Convention Center na naging matagumpay.

Ayon naman kay Jon Achaval, director, naniniwala silang kailangang mapanood ang The Lost Sheep ng mga taga-Maynila. Sinabi naman ng Executive Producer nilang si Lee Ann Lazaro Achavel, target audience nila ang general public tulad ng mula sa mga eskuwelahan at religious organizations.

Ang kikitain ng kanilang play ay para sa Gawad Kalinga. Ang tiket ay nagkakahalaga ng P800, P500, P300, at P200 para sa matinee show; at P1,200, P750, at P350 sa evening show.

Para sa ibang katanungan, tumawag sa 8796984; 09176203029; 09985365513.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?