74

Dec 20, 2017 @ 14:06

CebuPac nag-sorry sa delayed flights

Humingi ng paumanhin kanina ang Cebu Pacific sa kanilang mga customers dahil sa pagkaantala ng kanilang mga biyahe bunga ng “temporary slowdown in the production of flight plans.”

Sa travel advisory sa kanilang website, nag-sorry ang Cebu Pacific dahil sa halos 45-minutong delay sa morning flights na nakaapekto sa biyahe ng kanilang mga pasahero.

“Earlier today Cebu Pacific experienced delays due to a temporary slowdown in the production of its flight plans. Early morning flights were delayed by approximately 45 minutes as a consequence and this will also cause a domino effect for flights throughout the day,” sabi ng Cebu Pacific.

“We are currently putting measures in place to make up time and thus minimize delays to our schedule. Our airport personnel are on-hand to assist affected passengers,” dagdag pa ng airline company.

Nanawagan din ang Cebu Pacific sa kanilang mga customer ng pang-unawa at tiyaga sa kabila ng pagkaantala ng kanilang mga biyahe.

Samantala, dalawang flights naman ng Cebu Pacific ang nakansela rin ngayong araw dahil sa masamang panahon, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Kinansela ng CebuPac ang mga flights na 5J 196 na may rutang Manila papuntang Cauayan sa Isabela province at may return flight na 5J 197.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?