35

Oct 11, 2021 @ 17:19
By

CebuPac lakas-loob uli sa PISO sale

Muling binuhay ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei ang patok nitong PISO sale kung saan ang mga pamasahe sa biyahe papunta sa 47 lugar sa bansa at sa 11 overseas destination ay piso lamang ang base fare.

Sabi ng Cebu Pacific, inilunsad nito ang PISO sale para mahikayat ang mga taong bumiyahe ulit.

Kung isang araw lamang ginagawa ang PISO sale noon, apat na araw na ito ngayon.

Kahapon binuksan ang PISO sale at tatagal ito hanggang Oktubre 14 ngunit para lamang ito sa mga may planong bumiyahe mula Hunyo 1, 2022 hanggang Agosto 31, 2022.

Dumugo ang bulsa ng Cebu Pacific noong nakaraang taon nang tumama ang pandemya at hindi ito nakabiyahe.

Binaha rin ito ng reklamo mula sa mga taong humihingi ng refund. Nabayaran din nito ang mga refund matapos mangutang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?