65

Jan 31, 2020 @ 11:52
By

CebuPac ‘di pa sigurado kung naging pasahero ang nCoV carrier

Inaalam pa ng Cebu Pacific kung totoo ngang sa kanila sumakay ang babaeng Chinese na naging unang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.

“We have yet to verify,” ayon kay Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta Lagamon sa panayam sa dzMM.

Ito’y matapos na ilahad ni DOH spokesperson Undersecretary Eric Domingo na isa ang Cebu Pacific, maging ang Cebgo at Philippine Airlines, sa mga nasakyan ng 38-year old na Chinese para makapunta sa Pilipinas, partikular sa Cebu, Dumaguete at Manila, mula Wuhan at Hong Kong.

Saad ng Cebu Pacific, maging sila ay wala pang masyadong impormasyon tungkol sa pasyenteng may coronavirus.

“Yung information na nakuha po namin ay the same as all of you na kung ano lang po yung sinabi nila sa media pero wala po pong any coordination pa po with us,” saad pa.

Aniya, naghihintay na lang ang airline ng utos mula sa DOH para malaman ang susunod na hakbang ukol sa isyu.

“We did our initial checking na po. Kumabaga that’s checking on our part but we have to wait for DOH to advises or directs us on what is the next step,” ayon sa spokesperson.

“Dahil po ang protocol for quarantine and contact tracing po ay saklaw or jurisditction po ng Department of Health.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?