60

Cebuano naka-jackpot ng P29.7-M sa lotto

Sharing is caring!

Magandang aginaldo ang natanggap ng isang lotto bettor mula sa Cebu matapos mapanalunan ang P29.7 milyong jackpot prize Grand Lotto 6/55 noong Sabado ng gabi.

Sabi ng Philippine Charity Sweepstakes, binili ng nanalo ang winning ticket sa Gasiano Capital Mall sa Danao City.
Natumbok nito ang kumbinasyong 37-35-45-11-24-22.

Siyam na mananaya naman ang nakakuha ng limang kombinasyon na may bonus prize na P81,680 bawat isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?