By

Cebu ready na sa 41st Milo Marathon

Sharing is caring!

Handa nang salubungin ng Milo Philippines at Cebu City ang lahat ng finalists at participants para sa National Finals ng 41st National Milo Marathon sa Linggo, Disyembre 3.

Sa unang pagkakataon, magsisilbing punong-abala ang Queen City of the South sa pinakaaabangang finale.

Sa tindi ng lakas ng tagasubaybay ng Milo Marathon sa Visayas region, ang Cebu ang napiling huling lokasyon sa naturang event para higit na madaling puntahan ng runners mula sa Katimugan, gayundin ang maabot ng maraming Pinoy na makuha ang aktibo at healthy lifestyle.

Maaari ring matunghayan ng runners at spectators na mabisita ang mga sikat na tourist spots at mayamang kultura na ipinagmamalaki ng Cebu.

Tampok sa kaganapan ang aral ng buhay na natutunan ng mga mananakbo sa pagsali sa event, may temang “Magsama-sama, Tumakbo, Matuto”, ngayong season ay nakagiya ang values tulad ng disiplina, madiskarte, at determinasyon.

Makukuha iyon ng runners sa kanilang paglalakbay sa hamon ng buhay. Mamarkahan ang karera sa pagkumpleto ng 16-leg qualifiers ng event’s 41st season.

Target ni 4-time Milo Marathon Queen Mary Joy Tabal na maidepensa ang kanyang korona sa kanyang sariling balwarte at makahirit ng panibagong record bilang unang runner na mahablot ang prestihiyosong patakbo. (Enjel Manato)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?