174

By

Cebu Police director, kinasuhan ni Mayor Osmeña

Nagsampa na ng kasong kriminal at administratibo sa Ombudsman si Cebu City Mayor Tomas Osmeña laban kay Police Colonel Royina Garma, director ng Cebu City Police Office (CCPO).

Inakusahan ng alkalde si Garma ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Revised Penal Code of the Philippines, grave misconduct, gross neglect of duty at oppression.

Ani Garma, sasagutin ng legal team ng CCPO ang anumang reklamo na ihahain laban sa kaniya.

Sa kaniyang affidavit, binanggit ni Osmeña ang dahilan ng reklamo niya laban kay Garman na nasa 12 insidente kabilang na ang hindi pa nareresolbang pagkamatay ng ilang indibiduwal sa siyudad at iregular na pagsasagawa umano ng police operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?