29

Jan 9, 2022 @ 17:26
By

Cebu Pacific sapol mga staff ng COVID

Hinihikayat ng Cebu Pacific ng pamilya Gokongwei ang mga pasahero nilang may flight hanggang Enero 15 na magpa-rebook na lang kung hindi naman mahalaga ang kanilang biyahe dahil ilan sa mga empleyado nito ang may sakit ngayon o `di kaya’y naka-home quarantine.

Sabi ng Cebu Pacific, naglalatag ito ng mga plano at naghahanap ng paraan para maayos ang problema ngunit kailangan pa rin nilang magbawas ng mga flight.

“Cebu Pacific is managing the impact of COVID-19 on its workforce after receiving an unprecedented level of employees who are either sick or under home quarantine. Despite best efforts, the current situation has resulted in necessary reductions in scheduled flights,” base sa isang pahayag ng airline.

Babala ng Cebu Pacific sa mga pasahero nito, malaking posibilidad pa rin na magkaka-delay ang mga flight at maaari pa ring basta-bastang makansela dahil walang kasiguruhan ang sitwasyon ngayon kaya hinihikayat ng kompanya na magpa-rebook na lang ang mga `non-essential’ ang biyahe.

Sabi ng Cebu Pacific, maaaring magpa rebook ng biyahe ang isang pasahero sa loob ng 60 araw ng walang dagdag na gastos o ilagak ang maire-refund sa isang travel fund o sa kanilang virtual wallet. Puwede naman umanong mag-refund ngunit maaaring umabot ng dalawang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?