267

Dec 14, 2017 @ 14:49
By

Cebu Pacific flight nag-emergency landing sa Japan

Nagsagawa ng emergency landing ang isang eroplano ng Cebu Pacific sa Nagoya, Japan pasado alas-12 ng tanghali kanina.

Ayon kay Charo Lagamon, ang tagapagsalita ng CebuPac, ang kanilang Flight 5J 5063 ay lumipad mula sa Narita Airport at patungo ito sa Cebu.

Ngunit makalipas ang ilang minuto, nagkaroon ng technical issue sa eroplano, kaya’t minabuti ng piloto na lumapag sa Chubu Centrair International Airport.

Tiniyak ni Lagamon na may mga contingency measures sila para sa mga naapektuhang pasahero at para sa inspection sa kanilang eroplano.

Humingi na rin ito ng paumanhin sa aberya ngunit aniya prayoridad nila ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?