45

Dec 22, 2017 @ 18:54
By

Cebu Pac may libreng sakay para sa stranded OFWs sa HK

Libreng iuuwi ng Cebu Pacific ang 50 OFWs na kabilang sa mga stranded sa Hong Kong dahil sa panloloko ng travel agency.

Sa mismong araw ng Pasko o sa darating na Lunes makakauwi ang 50 OFWs.

Ang kanilang flight 5J 119 ay aalis ng Hong Kong ng alas-7:20 ng gabi at darating sa NAIA ng alas-9:40 ng gabi.

Sa inilabas na pahayag ng CebuPac, nakipag-ugnayan na sila sa DOLE at Philippine Consulate sa Hong Kong para sa pag-uwi ng 50 OFWs. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?