56

Dec 1, 2017 @ 18:04
By

Cebu Pac flights sa Indonesia, ibabalik na

Balik-normal na bukas (Disyembre 2, 2017) ang mga biyahe ng Cebu Pacific sa pagitan ng Maynila at Bali, Indonesia.

Pinabuksan na ng mga awtoridad ng Indonesia ang kanilang paliparan dahil humupa na ang volcanic ash mula sa pagsabog ng Mt. Agung.

Pinapayuhan pa rin naman ng Cebu Pac ang mga pasahero na regular na magmonitor dahil sumasabog pa rin ang bulkan.

“Forecasts of the movement of the volcanic ash indicate a continuing risk to aviation from the ongoing eruption of Mt Agung,” ayon kay Charo Logarta Lagamon, tagapagsalita ng Cebu Pac.

Sinisikap naman umano ng airline company na maabisuhan ang mga pasahero na naapektuhan ng suspensyon ng biyahe sa Indonesia. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?