47

Nov 19, 2021 @ 8:58
By

Cebu Mayor Labella pumanaw na

Pumanaw sa edad na 70 si Cebu City Mayor Edgardo Labella nitong Biyernes, Nobyembre 19.

Nangyari ito bandang alas-3:15 ng madaling araw sa Perpetual Succour Hospital, ayon sa ulat ng DZBB.

Kinumpirma naman ito ng kapatid ng alkalde na si Elmer Labella.

Nitong Oktubre, nag-file siya ng indefinite leave of absence dahil sa sakit na pneumonia. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?