lindol-earthquake

Cebu, inuga ng 3.1 magnitude na lindol

Sharing is caring!

Isang 3.1 magnitude na lindol ang tumama sa Cebu City at kalapit na lugar nitong Biyernes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-8:03 ng umaga naitala ang lindol na may epicenter na 11 kilometro ng timog at 61 degrees ng silangan ng Lapu-Lapu City.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Cebu City at Mandaue City, habang Intensity 2 sa Lapu-Lapu City at ilang bahagi ng Mactan Island.

Walang naiulat na nasira ng lindol at wala ring inaasahang aftershocks. (PNA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?