47

Jul 31, 2021 @ 12:42

Cebu hospital hinubaran ng PhilHealth accreditation

Inutos ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang suspensyon ng accreditation ng isang pribadong ospital sa Tres de Abrial Street sa Cebu City.

Tatlong buwang suspendido ang PhilHealth accreditation ng Adventist Hospital Cebu, Inc. (AHC) dahil sa “misinterpretation by furnishing false or incorrect information and breach of accreditation.”

Magsisimula ang suspensyon sa Agosto 1 hanggang Oktubre 29.

“Within these dates, PhilHealth will not receive, process, nor pay any claims from Adventist Hospital Cebu, Inc. Members are advised to seek medical services in other accredited health care institutions in the area,” advisory ng PhilHealth Central Visayas Office.

Maliban sa accreditation suspension, pinagbabayad din ang pamunuan ng AHC ng multang P10,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?