110

By

Cebu drug lord tinarget sa ulo sa QC, patay

Binaril at napatay ang self-confessed drug lord sa Cebu na si Franz Sabalones, Huwebes Santo ng hatinggabi sa Quezon City.

Ayon sa report, nangyari ang insidente dakong alas-12:08 ng hatinggabi sa kanto ng Scout Borromeo at Mother Ignacia sa Brgy. South Triangle, Quezon City.

Kasama umano ng biktima ang kanyang mga kaibigan na manonood sana ng billiards tournament sa Barangay South Triangle nang asintahin siya sa ulo pagkababa niya ng sasakyan na gray Ford Ranger.

Patay on the spot si Sabalones.

Narekober sa crime scene ang fired cartridge case ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Hindi pa batid ang motibo sa krimen pero posible umanong may kinalaman sa pagkakaugnay ni Sabalones sa illegal drugs trade.

Noong 2016 sumuko si Sabalones kay noo’y Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa at inamin na isa siyang drug lord sa Region 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?