86
Cebu City Rep. Del Mar kinilala sa perfect attendance
Jun 5, 2019 @ 14:45
By

Cebu City Rep. Del Mar kinilala sa perfect attendance

Kinilala ng Kamara sa pamamagitan ng Resolution No. 197 si Cebu City 1st District Rep. Raul V. Del Mar dahil sa outstanding performance at perfect attendance nito sa magkakasunod na 8th, 9th, 10th, 12th, 13th, 14th, 16th at 17th Congress.

Iprinisinta ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang Resolution No. 197 kay Del Mar sa ginanap na “Pagpupugay sa mga Kinatawan ng Ika-Labimpitong Kongreso”, matapos mag-adjourn ang Kongreso Martes ng gabi.

Pinuri rin si Del Mar dahil sa pag-aakda ng may kabuuang 71 na batas na may kinalaman sa poverty, undernourished children, tertiary education, tourism, renewable energy, violence against women and children, dangerous drugs, OFW voting at paglikha sa Cebu Port Authority at Mactan-Cebu International Airport Authority.

Unang nailuklok si Del Mar bilang north district representative noong 1987 at patuloy siyang nagsilbi hanggang 1998.

Naitalaga siyang muli sa kaparehong posisyon noong 2001, 2004 at 2007.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?