36

Nov 10, 2021 @ 22:08
By

Cebu City laya na rin sa face shield

Sumali na rin ang Cebu City sa mga local government unit na tinanggal na ang mandatory na paggamit ng face shield.

Naglabas ng direktiba si Acting Mayor Michael Rama para alisin ang paggamit ng face shield sa mga saradong lugar gaya ng mga mall at iba pang establisyimento.

Sa kabila nito ay required pa rin aniya ang pagsusuot ng face shield sa mga ospital at iba pang medical facility.

Gayundin sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan maliban sa mga tradisyunal na jeep na bukas ang mga bintana.

Kailangan naman na hingan ng bakuna card ng mga indoor venue ang kanilang kostumer.

Nauna nang nag-alis ng face shield requirement ang Maynila, General Santos City, Iloilo at Davao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?