547
Cebu City isinailalim na sa state of calamity
Apr 12, 2019 @ 15:49
By

Cebu City isinailalim na sa state of calamity

Idineklara na ang state of calamity sa Cebu City dahil sa epekto ng El Niño phenomenon na kung saan halos tuyot na ang kalupaan at maraming pananim na rin ang nasisira dahil sa matinding tagtuyot.

Sa ilalim ng state of calamity, magagamit na ang P27 million calamity fund ng Cebu City na makakatulong sa mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot kung saan aabot sa P15M ang halaga ng pinsala sa agrikultura.

Base sa report ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Cebu City, partikular na apektado ang 28 na mga barangay sa Cebu City kaya natataon lamang umano na ideklara na ang state of calamity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?