9

Apr 23, 2021 @ 19:06
By

Cebu City Hall employee, pinsan timbog sa buy-bust

Arestado ang isang empleyado ng Cebu City Hall sa ikinasang buy-bust operation sa Lapu-Lapu City kahapon, Abril 22.

Ayon sa ulat, nadakip si Robeth delos Santos, 36-anyos, administrative aide III sa isang opisina sa Cebu City Hall.

Sa isa pang operasyon sa araw ding nabanggit ay nadakip ang kanyang pinsan na si Jeffrey delos Santos, 35-anyos.

Nasakote si Robeth sa isang bahay na kapwa nirerentahan nilang mag-pinsan sa subdivision sa Barangay Babag umaga noong Huwebes habang si Jeffrey ay naaresto bandang alas-7 ng gabi sa Purok Thunder, Barangay Babag.

Nakumpiska kay Jeffrey ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P700,400 habang shabu na may presyong P714,000 naman kay Robeth.

Kabilang si Robeth sa drug personality watchlist ng kapulisan bilang high-value individual.

Samantala, inirekomenda na ng Cebu City Legal Office nitong Biyernes ang pagsibak kay Robeth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?