56

By

Cebu Birada ni Hontiveros handa nang magpasiklab

Isang pagkakataon para sa ilang dating PBA player ang pagbuo ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3, ayon kay dating PBA star Dondon Hontiveros.

Ang Cebuano Hotshot ang tumatayong team owner at representative ng Cebu Birada na isa mga tropa na sasabak sa kauna-unahang 3×3 league sa bansa.

“Yes, especially like what happen kay Karl Dehesa, wala siyang team but he’s trying to stay active for this kind of tournament. And financially it will be good for him,” wika ni Hontiveros.

“And these kinds of tournament mabibigyan talaga ng exposure ‘yung mga players.”

Nagkwento rin ang three-time PBA champion kung paano siya at ang kanyang tropa sa Cebu nakasali sa ganitong klaseng torneo sabay sabi na isang magandang pagkakataon ito para sa kanila.

Pabirong sinabi rin nito na hindi siya ang team owner ng tropa kundi isa lamang kinatawan nito kasabay ng pag-promote ng brand na bitbit ng mga ito.

“I’ve been practicing with them in the past week and ‘yun nga binigyan ko sila ng idea kung ano’ng mangyayari, mga situation na ganito and about key playing. Nakita ko ang lalakas eh, manunuod na lang muna ako,” dagdag nito.

Kasalukuyang ginanap ang pre-season ng liga ngayong araw sa Ynares Sports Arena at opisa itong sisipa sa Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?