13

May 10, 2021 @ 15:43
By

Cebu binulabog ng kambal na sunog

Dalawang sunog ang sumiklab sa lalawigan ng Cebu noong Linggo, Mayo 9.

Bunsod nito, inilagay sa state of calamity ang dalawang apektadong barangay.

Ayon sa ulat, unang naitala ang sunog sa Sitio Caimitio alas-6:41 ng umaga, kung saan walong bahay ang naabo.

Sinundan ito ng sunog sa Sitio Seaside bandang alas-12:50 ng tanghali, kung saan may 117 bahay naman ang natupok.

Dahil sa mga makitid na daanan, dalawang oras bago naapula ang sunog sa Sitio Seaside.

Nasa P1.9 milyong halaga ang mga ari-arian na naabo sa kambal na sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?