19
abante-tnt-vismin-pads
By

Cebu-based PWD squad, sasagwan sa HK dragon boat

Sharing is caring!

Isa ang Philippine Accesible Disability Services (PADS) sa dalawang team mula Pilipinas ang sasabak sa 9th Hong Kong Dragon Boat Festival sa Victoria Harbour sa June 22-24 sa Hong Kong.

Taong 2017 ay nag-uwi ng gold medal ang Cebu-based PWD squad sa international para-dragon boat category at dedepensahang muli ang titulo sa darating na kompetisyon. Parehong taon rin ay nagkamit ng silver medal ang PADS sa Triton Dragon Boat Racing.

Bukod sa pagdepensa sa korona, lalahok rin ang grupo sa open men’s category, standard boat, short boat sat sa standard mixed category.

Bubuuhin ng 28-45 na katao ang grupo, kabilang na ang mga person with disabilities (PWDs).

“We have amputees, polio survivors, deaf persons,” sabi ni JP Manuas, team manager at founder ng PADS. “We were born in 2005 and in 2016, we opened our adaptive sports and recreational rehab program because we noticed that sports rehab was a major barrier for most PWDs.”

Lalahukan ng mahigit 45,000 athletes mula iba’t ibang panig ng bansa gaya ng Australia, Hong Kong, Korea, India at USA ang taunang festivities.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?