42

Nov 11, 2021 @ 9:35
By

Cebu Archbishop lumapit sa pagiging santo

Inaprubahan ng Theological Commission of the Congregation for the Causes of Saints sa Vatican ang mga iniambag ni dating Archbishop Teofilo Camomot sa simbahang Katolika na isa sa mga daan para ito ay kilalaning santo.

Si Archbishop Camomot ay tubong Carcar City sa Cebu at yumao noong Setyembre 27, 1988.

Nakilala si Camomot bilang auxiliary bishop ng Jaro, Iloilo at coadjutor archbishop ng Cagayan de Oro.

Ayon naman sa Archdiocese of Cebu na isa sa mga nanguna para ma-canonize si Camomot, nakakuha ang yumaong arsobispo ng siyam na boto mula sa siyam na miyembro ng nasabing komisyon.

“With this favorable outcome, the Cause of Beatification and Canonization of Bishop Camomot will be forwarded for further examination to the Commission of Bishops and Cardinals of the said Congregation,” saad nito.

“Upon completion of their study, the cause will be presented to the Holy Father for his approval. Then Bishop Camomot will be considered Venerable,” dugtong pa nito. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?