88

Oct 18, 2017 @ 10:22

Cebu Archbishop Emeritus Cardinal Vidal pumanaw na

Sumakabilang-buhay na kanina si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, isa sa mga maimpluwensiyang lider ng Catholic Church. Siya ay 86 anyos na.

Si Vidal ay naka-confine sa Perpetual Succor Hospital sa Cebu City mula pa noong isang linggo dahil sa komplikasyon sa pneumonia.

Ayon sa report ng dzMM, pumanaw ang cardinal sa intensive care unit alas-7:28 ng umaga kanina, batay na rin sa pahayag ni Msgr. Joseph Tan, spokesperson ng Cebu archdiocese.

Si Vidal ay nagsilbing archbishop ng Cebu ng halos tatlong dekado bago siya nagretiro noong 2011.

Siya ang pinakamatanda sa apat na cardinal sa Pilipinas. Ang iba pang mga cardinal ay sina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo.

Siya rin ang vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at naging pangulo mula 1985 hanggang 1987.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?