145

Jan 3, 2018 @ 19:06

CDO mayor Oscar Moreno, sinibak ng Ombudsman

Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagpapatalsik sa puwesto ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno kaugnay ng pagrenta ng heavy equipment na pinasok nito noong 2009-2010 sa panahon ng kanyang termino bilang governor ng Misamis Oriental.

Ang dismissal order ay inilabas matapos mapatunayang guilty si Moreno ng “grave misconduct, serious dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service.”

Inatasan din ng ombudsman sina dating acting provincial budget officer Elmer Wabe, dating provincial administrator Patrick Gabutina, at dating assistant provincial engineer Rolando na magbayad ng multang katumbas ng isang taon nilang suweldo.

Bukod sa dismissal order, hindi na rin papayagan ang mga respondents na magtrabaho sa anumang sangay ng gobyerno.
Kakanselahin din ang kanilang eligibility, hindi rin ibibigay ang kanilang retirement benefits at hindi na rin sila papayagang makakuha ng civil service examinations.

Nadiskubre ng Ombudsman na pumasok ang provincial government ng maraming lease agreements sa Equiprent Corporation para sa paggamit ng heavy equipment na nagkakahalaga ng P2.96 million.

Subalit sa pagsusuri ng Commission on Audit, nadiskubreng iligal ang pagrenta nito ng heavy equipment at paglabas ng pondo dahil hindi ito dumaan sa public bidding.

Sinabi ng Ombudsman, na ang nasabing hakbang ng mga nabanggit na mga opisyal na sadyang paglabag sa procurement law at nabbigay na masamang imahe bilang public servants.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?