84

Jan 3, 2018 @ 16:47
By

CCTV footages sa Pasay hotel robbery, sinusuri na

Patuloy ang isinasagawang back tracking ng Pasay City Police sa mga footages ng security cameras sa loob at paligid ng Manila Manor Hotel.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde sinisiyasat na ng mga imbestigador ang footages para makilala ang apat na tumangay ng mahigit P3 milyong halaga ng pera, alahas at gamit Martes ng umaga.

Nabanggit nito na nahagip ng CCTV camera ng Barangay 76 Zone 10 ang pagdating ng getaway vehicle ng mga suspek ilang minuto bago ang pagpasok sa loob ng hotel.

Hindi rin isinasantabi ang posibilidad na ‘inside job’ ang nangyaring holdapan dahil maaring alam ng mga suspek na may malaking halaga ng pera sa kaha dahil hindi nadeposito ang kita ng hotel nitong nakaraang Christmas holiday.

Nabatid na nagtalaga na rin ang pulisya ng tracker team na tutugis sa mga suspek. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?