1,095

Feb 26, 2019 @ 20:11
By

CBCP Vice President Bishop David inuulan ng mga death threat

Kinumpirma ng isang Katolikong obispo na nakakatanggap siya ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Kilalang kritiko ng drug war ng administrasyong Duterte si Bishop Pablo Virgilio David ng Kalookan.

Siya rin ang Vice President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa kabila nito, hindi umano niya alam kung sino ang nasa likod ng mga death threat sa kanya.

Kamakailan nang pagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tao na mananakit sa mga obispo at pari matapos magsumbong sa kanya si Cardinal Luis Antonio Tagle hinggil sa natatanggap ng ilang mga pari na death threats na mula umano sa indibiduwal na nagtatrabaho sa pamilya ng Pangulo.

“Do not touch priests, they had nothing to do with politics. Either Muslims or Christians, they had nothing to do with us. Do not do it. Do not try to do it. The religious [leaders] has nothing to do with the vagaries of life. Lay off! Stop threatening them or you will have to face me,” saad ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?