125

Dec 31, 2017 @ 13:12
By

CBCP: Tulungan ang mga nasalanta nina Urduja, Vinta

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko ng tulong at dasal para sa mga nasalanta ng Bagyong Urduja at Vinta.

Ito ay sa pahayag na inilabas ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles.

Ayon kay Valles, patuloy nilang ipagdarasal ang mga pumanaw sa kalamidad at ang mga tao na ang buhay ay naging mabigat dahil sa bagyo.

“Thus, may we again enjoin our Catholic faithful and all people of goodwill to offer our sincere prayers to the Lord, especially for those who have died. We also continue to pray for all of those people whose lives have been made more difficult that they may experience the care and love, mercy and compassion of the Savior,” saad ni Valles.

Kasabay nito, umapela si Valles ng tulong para sa mga nasalanta.

“At the same time, we can be with the Lord by extending all we can – our help and assistance to these people,” dagdag ni Valles.

Umaasa ang arsobispo sa patuloy na pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno at civic organization.

“We know that many government and civic agencies have responded and continue to respond; may they continue….We organize and offer our help and assistance to the people of these areas through the bishops of these places,” ani Archbishop Valles.

Aabot sa mahigit 200 ang bilang ng mga namatay sa Bagyong Urduja at Vinta, libu-libo ang nawalan ng bahay at marami pa ang nawawala. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?