103

Nov 1, 2017 @ 17:15

CBCP: Suportahan ang prusisyon sa Edsa laban sa EJK

Umapela si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ng pakikiisa sa publiko kaugnay ng ilulunsas na prusisyon laban sa extrajudicial killings sa EDSA ang Simbahang Katoliko sa November 5.

Si Villegas ay lumabas sa isang video kung saan personal siyang nananawagan ng suporta sa gagawing pagtitipon na pasisimulan sa pamamagitan ng isang misa na idaraoa sa EDSA Shrine.

Ang aktibidad na ito ay tinawag na “Lord Heal our Land Sunday.”

Magiging tampok sa candlelight procession ang imahe ni Our Lady of Fatima na binitbit ng mga debotong Katoliko sa EDSA nang sumiklab ang People Power Revolution noong 1986.

Sa kanyang video message na lumabas sa facebook page ng Tindig Pilipinas, sinabi ni Villegas na layunin ng aktibidad na magdasal para sa paghilom ng bansa, “Ang paghihilom ay hindi pagbubulag-bulagan. Ang paghihilom ay pagiging mulat sa nangyayari sa ating lipunan.”

Dagdag pa ng arsobispo, walang partikular na kulay na sisimbilo sa pulitikal ba grupo na bibitbitin sa pagtitipon.

“Ang ating pagtitipon ay hindi dilaw, hindi pula, hindi asul, hindi kahit anong kulay. The color of November 5 is clarity. It is transparency. It is the purity of clear water. It is the transparency of clear conscience that seeks pardon from the Lord,” saad ni Villegas sa kanyang video message.

Tiniyak din ni Villegas na hindi layunin ng aktibidad na maglunsad ng kaguluhan sa bansa.

“Hindi po tayo manggugulo. Huwag na po nating guluhin ang ating bayan. Ang hihilingin lng po natin ay Panginoon, maawa po kayo sa Pilipinas. At alam natin, hindi tayo tatalikuran ng Panginoon,” ang bahagi ng mensahe ni Villegas.

Nauna nang inihayag ni Villegas na sa kapareho ring araw, November 5, ay sisimulan ang 33-araw na pagdarasal na tatagal hanggang December 8 bilang hudyat ng pagsisimula ng paghilom.

Sa loob ng 33 araw, hinihiling ni Villegas ang pagdarasal ng rosaryo at pagtanggap ng Holy Communion para sa paghilom ng sugat ng bansa at para sa kaluluwa ng mga biktima ng EJK. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?