39

Oct 10, 2017 @ 17:31

CBCP sa PNP: Protect and serve the people

Dapat na panindigan at isabuhay ng Philippine National Police (PNP) ang mandato nito na “to protect and to serve.”

Hamon ito ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, sa mga myembro ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Santos, ang katagang “to protect” ay nangangahulugan na dapat nilang pangalagaan ang seguridad ng mamamayan anuman ang kanyang estado sa buhay at paniniwala sa pulitika.

Ang pakahulugan din umano ng “to protect” ay mapreseba ang buhay pati na ang karapatang pantao.

“Your mandate to protect goes beyond political party affiliations, not your very own self. It is the people, especially those whom the society considers least and lost, unknown and under privileged. To protect is maintain peace and order. To protect is preserve life and to preserve human rights,” giit ni Bishop Santos.

Ang kataga namang “to serve” ay dapat na gampanan nang walang alinmang motibo para sa personal na interes o career advancement dahil lalabas na ang kanilang pagsisilbi ay hindi na maituturing na tunay na serbisyo.

“If it is for any monetary benefits, your duty to serve is tainted and compromised. Let us remember then that to serve is not and should never be for sale,” dagdag ng obispo.

Ginawa ng obispo ang pahayag matapos lumabas sa ulat ng PNP na tumaas ng 22.75% ang mga insidente ng patayan sa bansa dahil sa iligal na droga. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?