118

Jan 1, 2018 @ 11:02
By

CBCP sa mga Kristiyano: Manindigan sa karapatang pantao

Kaliwanagan ng bansa sa taong 2018.

Ito ang panalangin ang Simbahang Katoliko ngayong bagong taon.

Sa isang statement, tinukoy ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action at Caritas Philippines na umaasa sila na ang bagong taon ay magbibigay daan para sa ang mga mamamayan ay maging mas matapang na gawin kung ano ang tama sa aspetong moral.

Tinukoy ni NASSA/Caritas Philippines’ National Director Archbishop Rolando Tria Tirona sa kanyang 2018 New Year’s message na ipinagdarasal nila na ang Pilipinas ay maging mayaman sa human at spiritual values, maninindigan laban sa kahirapan at katiwalian, magtataguyod ng karapatang pantao at pagiging sagrado ng buhay, lalabanan ang iligal na droga at human trafficking.

“[W]e pray and work for a Philippines prosperous in human and spiritual values, committed to eradicate poverty and corruption, dedicated in upholding human rights and the sacredness of life, unflinching in its fights against illegal drugs and human trafficking, enlightened to choose worthy leaders, and a Philippines proud of its heritage, yet open to the family of nations,” saad ni Archbishop Tirona.

Dagdag pa ni Tirona, bagamat maraming naging hamon ang 2017 na halos magdulot ng pagkakahati-hati sa bansa, marami pa ring mga bagay na dapat tayong ipagpasalamat.

“Our resilient spirit made us rise above the numerous typhoons. Despite the many environmental struggles we have faced, our efforts to protect the environment especially against mining have been sustained and produced positive results,” paglalahad ng arsobispo.

Hindi rin niya naiwasang punahin ang kampanya sa iligal na droga na aniya ay naghimok sa atin para manindigan para sa buhay at para sa karapatang pantao.

Sinabi pa ni Archbishop Tirona na mayroon pa ring pag-asa at marami pa ring magagandang bagay na nagaganap batay na rin sa mga nakikita nating viral post sa social media kaugnay sa kabutihang loob ng mga Pilipino.

“This is what we need to spread. Instead of negative news and hate, let us make it a habit to share the good news, and do good things no matter how small. From hope, we can make love, compassion and Caritas viral in our homes,” pagtatapos ng pinuno ng NASSA/Caritas Philippines. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?