66

By

CBCP sa gobyerno: Huwag pahirap sa mga OFW

Nanawagan ang Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) sa gobyerno na huwag maging pahirap sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tinukoy ng CBCP ang pagtataas ng kontribusyon ng Social Security System (SSS) at PhilHealth na pangunahing nagpapahirap sa maraming OFWs.

Naniniwala rin si CBCP episcopal commission on migrants and itinerant people head Bishop Ruperto Santos na dapat bawasan ng gobyerno ang paghihirap ng mga OFW sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pagpapatupad ng dagdag-singil sa kontribusyon.

Aniya, dagdag pahirap pa ito sa mga mahihirap na Pilipinong sumusugal na malayo sa kanilang pamilya para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga bagong tanggap at papaalis pa lamang na mga OFW ay kailangang magbayad ng advance na P960.00 kada buwan na SSS premium habang ang mga nagbabalik-bansang OFW ay dapat na mag advance payment ng tatlong buwan o P2,880.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?