199
divorce-bill
By

CBCP, nanindigan laban sa Divorce bill

Sa harap ng isinusulong na Divorce Bill, nagpahayag ng matinding pagtutol ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life (CBCP-ECFL) laban sa panukala sa idinaos na Episcopal Commission on Family and Life National Conference.

Sa pahayag ng CBCP-ECFL na pirmado ng Chairman nito na si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, tinukoy na kinikilala sa ilalim ng Saligang Batas ang kasal bilang pundasyon ng lipunan na dapat protektahan ng estado.

Aniya, nang dahil sa pagpapahalaga sa pagiging sagrado ng kasal, ang ating Konstitusyon ang kinilala bilang kauna-unahang pro-family Constitution sa mundo.
“I promise to be faithful to you, in good times and in bad, in sickness and in health, to love and to honor you all the days of my life”. This Matrimonial Covenant is promised by married people before God and before each and every one of us. This marriage our Constitution recognizes “as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.” bahagi ng pahayag ng CBCP-ECFL.

Kasabay nito, binigyang diin din ng episcopal commission ang kahalagahan na mapanatiling buo ang pamilya lalu pa’t kapag naghihiwalay ang mag-asawa, pangunahing apektado ang mga bata.

Bunsod nito, hindi umano dapat na lapastanganin ng Kongreso ang pagiging sagrado ng kasal na ang seremonya ay isa sa mga sakramento sa Simbahang Katoliko.

Kasabay nito, tiniyak din ng Simbahan na patuloy nilang tutulungan ang mga mag-asawa na mapagtibay ang kanilang relasyon sa halip na buwagin ng nakabinbing Divorce Bill.

Ang Divorce Bill ay nauna nang inaprubahan ng House Representatives Committee on Population and Family Relations at ito ay nakatakda nang isalang sa deliberasyon ng plenaryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?