121

Oct 29, 2019 @ 20:49
By

CBCP nanawagan ng dasal para sa Mindanao

Humiling ng panalangin sa publiko si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Davao Archbishop Romulo Valles para sa mga naapektuhan ng pagyanig ng 6.6-magnitude earthquake sa Mindanao nitong Martes ng umaga.

Sa inilabas na statement, sinabi ni Valles na ipanalangin sa Diyos na manatiling kalmado at alerto ang lahat.

“Please pray to the Lord that we may remain calm and alert and pray also that we will continue to care and be watchful and concerned for each other during this time of fear and anxiety,” ani Valles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?