16

Jun 11, 2020 @ 18:01
By

CBCP nagbabala vs ‘holy alcohol’ na pangontra raw sa COVID-19

Pinabulaanan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi magkakaroon ng COVID-19 ang gagamit ng “holy alcohol”.

Ayon sa CBCP, naglabas ng pahayag ang Liturgical Commission of the Archdiocese of Pampanga ukol sa isyu at tinawag itong fake news at isa lamang “marketing strategy o gimmick”.

Dagdag pa nila, hindi totoo na pinalitan ng alcohol ang holy water sa loob ng simbahan.

Bago nito, pinatanggal ng mga obispo ang mga holy water sa may entrance ng mga simbahan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.

Gayundin ay wala rin daw katotohanan ang mga bagay tulad ng holy face mask at holy face shield.

“There are no such things as holy face masks, holy face shield, holy sanitizer, holy personal protective equipment, holy goggles etc. This is an irreverent marketing strategy or gimmick,” giit ng komisyon sa Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?