98

May 9, 2019 @ 15:22
By

CBCP mga elitista! – Duterte

Mga mayayaman lamang ang kaibigan ng mga pari at obispong miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bohol Miyerkoles ng gabi kung saan inihalintulad nito sa mga baliw ang mga pari.

Ayon sa Pangulo, puro mayayaman ang kaibigan ng mga pari at obispong Katoliko at wala kahit ni isang mahirap na kaibigan ang mga ito na pinuntahan sa kanilang mga bahay.

“The priests? What do the priests know of? They just keep on giving sermons like a crazy person. The truth is — the naked truth is that the bishops, those big pieces of s*** there in CBPC are elitists. Their friends are rich. Not a single poor friend of theirs ever visited their house. The bishops are elitists,” anang Pangulo.

Makalipas aniya ang dalawang buwan matapos siyang maluklok bilang Presidente ay nagmartsa na ang mga pari at iba pang alagad ng Simbahan para siya pababain sa puwesto.

Sinabi pa ng Presidente na ininsulto siya ng mga pari kaya bumanat na rin siya at inilabas ang sikreto ng mga ito.

“After the election, just two months later, the fools were already marching there, screaming “Oust Duterte” including the priests. They insulted me too. Pero sabi ko p***** I**. So I revealed the truth about them. What I said was, “You sons of b******. You are using the nuns for your personal consumption,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang noong kainitan ng iringan ng Pangulo at ng Simbahan ay ibinunyag nito ang umano’y pagkakaroon ng anak ng ilang pari at mga obispo at ang itinayong bahay-ampunan kung saan itinago ang anak ng mga ito sa mga madre

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?