2

Oct 17, 2020 @ 21:44
By

CBCP: Mayaman ‘wag unahin sa COVID bakuna

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa gobyerno na huwag iprayoridad ang mayayaman, makapangyarihan at maimpluwensya kapag mayroon nang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa CBCP, dapat unahin ang mga mas nasa peligro sa impeksiyon gaya ng mga medical frontliner at senior citizen.

“We propose this allocation plan for the COVID-19 vaccine that prioritizes those who are at most risk for infection or for severe disease because of our concern that in the Philippines, vaccines may be allocated first to those who are wealthy, powerful, and influential,” anang CBCP.

“Pope Francis has said, ‘It would be sad if, for the vaccine for COVID-19, priority were to be given to the richest!’ As the pope has said many times, ‘The preferential option for the poor is at the center of the Gospel,’” dagdag nito.

Sabi pa ng CBCP, ang pag-una sa mga upper class ay lalo lang makakapag-antala sa pagwawakas ng pandemya sa bansa.

“This would not efficiently mitigate deaths in our communities and would delay the end of the pandemic in our country. This would be a great moral and social tragedy,” saad ng CBCP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,