ABANTE bishop ruperto santos cbcp mary jane veloso
By

CBCP kay Duterte: Iligtas sa bitay si Mary Jane Veloso

Sharing is caring!

Nanawagan ang isang Katolikong obispo kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumagitna sa kaso ni Mary Jane Veloso, ang Pinay nahatulan ng bitay sa Indonesia dahil sa pagpupuslit ng heroine.

Naniniwala si Bishop Ruperto Santos, namumuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)–Commission on Migrants and Itinerant People, na may magagawang paraan ang pangulo para mailigtas ang buhay ni Veloso.

“The President, thru Solicitor General Jose Calida, could question the decision of the CA not to allow Mary Jane deposition. Thru the Solicitor General, it should be elevated to the Supreme Court,” saad ni Santos.

Ginawa ng obispo ang pahayag makaraang pagtibayin ng Court of Appeals ang pagpigil sa pagkuha ng deposition o out-of-court testimony mula kay Veloso para gamitin laban sa mga nagrecruit sa kanya na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na kapwa nahaharap sa kasong large scale illegal recruitment.

“It is Mary Jane who must be protected, defended and be saved, not the human traffickers,” dagdag ni Bishop Santos.

Matatandaang si Veloso ay naaresto sa Indonesia noong Abril 2010 dahil sa pagpupuslit ng 2.6 kilo ng heroin.

Nahatulan siya ng parusang kamatayan noong October 2010, pero noong April 2015 ay hindi muna itinuloy ang pagbitay sa kanya dahil itinuturing ng gobyerno ng Pilipinas na siya ay mahalagang testigo sa reklamong human trafficking laban sa kanyang mga recruiter. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?