443
CBCP: Huwag iboto ang mga magnanakaw, mamamatay tao
May 12, 2019 @ 10:32
By

CBCP: Huwag iboto ang mga magnanakaw, mamamatay tao

Walang ieendorsong kandidato ang hirarkiya ng Simbahang Katoliko ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ngunit nananawagan siya sa mga lay Catholic leader na magsalita at iendorso ang mga tapat na kandidato.

Ito ang saad ni Pabillo matapos na magendorso ng mga kandidatong ka-alyado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mike Velarde ng Catholic Charismatic group na El Shaddai.

Kabilang sa mga inendorso nito ay si Imee Marcos, anak ng dating diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos; Ramon Revilla Jr. at Jinggot Estrada na parehong naharap sa kasong plunder; at si Ronald ‘Bato’ dela Rosa, dating national police chief na nagpasimula ng war on drugs ng gobyerno na naging rason ng pagkamatay ng libu-libong mga tao.

“If (Velarde) can brazenly come out with a list endorsing thieves, murderers and dishonest people, should not our lay leaders and lay groups do at least the same… but of honest people?” saad ni Pabillo.

“The ball is in your court. Should we play ball or just let them take control of the game because they are more enterprising?”

Samantala matatandaang sinabi ni Velarde na kaya niya inendorso ang mga kaalyado ng Pangulo ay dahil makatutulong ang mga ito sa mahihirap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?