CBCP, humingi ng debate kaugnay sa divorce bill

Sharing is caring!

Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga mambabatas na atat na maipasa ang divorce bill na magsagawa pa ng mga debate hinggil sa usapin.

Sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, bilang mga kinatawan, dapat nilang ikonsulta ng maigi sa kanilang nasasakupan ang naturang panukalang batas upang kanilang malaman ang totoong opinyon ng mga tao.
Mas makabubuti rin aniya na kumonsulta ang mga mambabatas sa mga experto upang masuri ng mabuti ang implikasyon sa pamilya at sa lipunan sa sandaling isabatas ang diborsiyo.

Nilinaw ni Archbishop Valles na bagaman itinuturing na mabilis na solusyon ang diborsiyo, dapat din ikonsidera na may ‘failed marriages’ ang maaring masagip sa pamamagitan ng diyalogo at intervention ng mga pamilya, kaibigan at counselors.

Nabatid na bukod sa Vatican, ang Pilipinas na lamang ang walang batas sa diborsiyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?