69

By ,

CBA: De Chavez, Valenzuela maangas

Natakasan ng Valenzuela-Zival Express ang Novo Ecijano 101-100 sa North Division ng Community Basketball Association (CBA) Founder’s Cup sa Thoa Wild Center Gymnasium sa Valenzuela.

Pabida para sa Valenzuela si Chris de Chavez na may 21 puntos, sa likod ng limang tres, at si Marlon Kalaw na may 20 puntos para tulungan ang Valenzuela sa unang pagsalang nito sa torneo.

Umariba rin para sa Valenzuela si Jeric Diego na may 17 puntos, anim na assists at limang rebounds habang may tig-16 puntos sina Carlos de Chavez at Alfie Martinez.

Nanguna naman para sa Novo Ecijano si Jess Pedrosa na may 24 na puntos at 10 rebounds habang si Daniel De Guzman ay may 22 puntos at 13 rebounds.

Sa unang laro, tinambakan ng Bulacan ang San Mateo 99-80 para iposte ang 4-1 win-loss record kasosyo ang San Juan Knights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?