21

Sep 28, 2020 @ 20:05
By

Cayetano, Velasco maghaharap sa Malacañang

Magkikita sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kaugnay sa isyu ng speakership.

Ayon sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa Martes, Sept. 29 iyon mangyayari pero hindi binanggit kung anong oras.

Dagdag ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, sasamahan si Velasco ng mga party leader at kaalyado sa koalisyon mula sa Kamara.

Kamakailan nang italaga ni Pangulong Duterte sina Cayetano at Velasco bilang Speaker pero maghahati sila sa termino.

Nakatakdang matapos ang termino ni Speaker Cayetano sa September 30.

Sa kanyang Facebook post sinabi ni Velasco na dapat sundin ang napagkasunduang term-sharing agreement nila ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?