29

Oct 6, 2020 @ 21:35
By

Cayetano: Velasco atat maging Speaker

Pinatamaan ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa kasagsagan ng bangayan nila sa liderato ng Kamara.

Ayon kay Cayetano, wala umano silang problema ni Velasco kung naintindihan lang umano nito na sa Nobyembre pa raw dapat uupo ang huli bilang House Speaker.

Aniya pa, masyadong nagmamadali si Velasco na maging Speaker

“I’m sorry to our people that we had to this at this time. Kung sumunod lang siya sa usapan na November ang palitan. Kung marunong lang siyang magbilang na hanggang October talaga ako, edi wala sanang problema,” saad ni Cayetano. “Pero masyado nang atat na pumunta dito, wala namang may akalain na magkaka-COVID.”

Tinawag din nitong ‘hilaw’ at ‘insincere’ ang naging sorry ni Velasco sa mga Pinoy dahil panay pa rin naman daw ang banat nito tungkol sa budget.

Posibleng hindi masnnod ang kasunduan ng dalawa na babakantehin ni Cayetano ang Speakership sa October 14 dahil suspendido na ang sesyon sa Kongreso hanggang November 16 matapos ipasa sa second reading ang 2021 national budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?